Nagbabala ang mga eksperto mula sa University of the Philippines Manila Institute of Health sa anila’y pagkakaroon ng epidemya ng Dengue sa buong bansa.
Ito’y dahil sa mga kontrobersiyang kinahaharap ng anti-Dengue vaccine na Dengvaxia na binili ng nuo’y administrasyong Aquino na nagkakahalaga ng tatlo’t kalahating bilyong Piso mula sa kumpaniyang Sanofi Pasteur.
Ayon sa mga eksperto, dumami ang mga nagkaroon ng tigdas nuong 2013 bunsod ng maling pangamba na ipinakalat hinggil sa bakuna kontra tigdas sa Pilipinas at ikinasawi rin ng libu-libo sa bansang Vietnam.
Dahil dito, nangangamba ang mga doktor dahil sa anila’y takot at pangambang hatid ng usapin ng Dengvaxia na maaaring maging daan para bumaba ang bilang ng mga nagpapabakuna nito.