Nanganganib na magkaroon ng epidemya ng dengue sa Southeast Asia dahil sa El Niño phenomenon.
Batay ito sa pagsusuring ginawa ng international researchers sa mga dengue cases sa nagdaang 18 taon.
Pinuna ng mga researchers na halos doble ang kaso ng dengue sa mga panahong mataas ang temperatura sa karagatan o mayroong umiiral na El Niño lalo na noong 1997 at 1998.
Ang nararanasang El Niño sa kasalukuyan ay sinasabing magtatagal hanggang sa susunod na taon at kabilang sa mga pinakamatinding El Niño sa nagdaang 20 taon.
Nitong buwan lamang ng Setyembre, umabot sa 1,000 ang nadala sa San Lazaro Hospital sa Maynila dahil sa dengue at 232 naman sa unang tatlong araw lamang ng Oktubre.
By Len Aguirre