Hindi malayong amyendahan ng susunod na administrasyon ni incoming President Bongbong Marcos Jr. ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) upang mapababa ang presyo ng kuryente.
Ayon kay Marcos, dapat maging mahigpit sa pagpapatupad ng EPIRA pero dapat ding silipin ang posibilidad na amyendahan ito lalo’t may ilang probisyon sa nasabing batas ang “outdated” na.
Gayunman, hindi tinukoy ng susunod na pangulo kung anong probisyon ng EPIRA ang nais nitong amiyendahan.
Taong 2001 nang pagtibayin sa ilalim ng Arroyo administration ang naturang batas, na layuning tiyakin ang maaasahan at murang kuryente.
Samantala, bumuo na si Marcos ng grupong titingin kung anong items sa electricity bills ang maaaring ibaba para maibsan ang pasanin ng mga consumers.