Naabot na ng National Kidney Transplant Institute (NKTI) ang full capacity para sa mga emergency room nito.
Ayon sa NKTI, napupuno ang kanilang emergency room ng mga pasyenteng nagda-dialysis, may leptospirosis at COVID-19.
Naghayag din ng problema sa kakulangan ng medical workers ang Quezon City-based tertiary medical center.
Sinabi naman ng DOH na nakikipag-ugnayan na sila sa NKTI upang tugunan ang problema.
Inatasan din ng ahensya si Health Undersecretary Nestor Santiago na i-assess ang sitwasyon at tiyaking napag-seserbisyuhan ang mga pasyente. —sa panulat ni Hannah Oledan