Hinamon ni Congressman Amado Bagatsing sina Manila Mayor Joseph Estrada at dating Mayor Alfredo Lim na sumalang sa physical exam.
Si Bagatsing na tatakbo ring alkalde ng Maynila sa eleksyon ay mas bata kumpara kina Estrada at Lim subalit napapaulat na mayroong dinaramdam na sakit.
Ayon kay Bagatsing, posibleng kagagawan ng kanyang mga kalaban sa pagka-alkalde ng Maynila ang pagkalat ng ulat hinggil sa kanyang karamdaman.
Sa pamamagitan anya ng sabay-sabay na physical exam ay magkakaalaman kung sino ang may malusog na pangangatawan para pamunuan ang Maynila.
By Len Aguirre