Wala pa ring desisyon si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada kung sino ang i-eendorsong presidential candidate sa 2016 elections.
Aminado si Estrada na nahihirapan pa rin siya sa pagpili lalo’t ang kanyang hinahanap ay ang kandidatong makapaglilingkod sa mas maraming Pilipino.
Aniya, hinahanap niya ay ang kandidatong may kahalintulad ng kanyang mga adbokasiya partikular ang peace and order maging ang infrastructure na pangunahing sangkap sa pag-unlad ng bansa.
Iginiit ni Erap na dapat munang maglabas ang mga presidential candidate ng malinaw na plataporma na makatutulong sa pag-unlad ng mas nakararaming Pinoy.
Samantala, inamin ng alkalde na hindi pa sapat ang mga inilatag na plataporma ng kanyang inaanak na si Senador Grace Poe, na anak ng kanyang matalik na kaibigang si Fernando Poe Junior.
By Drew Nacino