Itinanggi ni Manila Mayor Joseph Estrada ang pahayag ni Presidential aspirant Rommel Mendoza na tumakbo ito para maging proxy ng dating pangulo.
Si Mendoza ay kabilang sa mga kandidato sa pagka-presidente sa ilalim ng partido ng Pwersang Masang Pilipino (PMP) na umatras kahapon.
Ayon kay Estrada, pagka-alkalde ng Maynila ang muli niyang tatakbuhan sa darating na 2016.
Una rito, iginiit ni Mendoza na pinatakbo siya ng alkalde upang maaari pang kumandidato sa pagka-pangulo si Estrada sa oras na madiskwalipika si Senadora Grace Poe at sakaling makulong naman si Vice President Jejomar Binay dahil sa mga kinakaharap na kaso nito.
By Ralph Obina