Nanawagan ang mga opisyal ng ERC o Energy Regulatory Commission na magbitiw na sa pwesto ang kanilang chairman na si Jose Vicente Salazar.
Kasunod ito ng ginawang pag – apruba ng Kamara sa P1,000.00 budget ng ERC para sa 2018 dahil umano sa katiwalian sa loob ng ahensya.
Giit ni Commissioner Josefina Asirit, mas malaki ang kahaharaping problema ng ahensya kapag tuluyang napako sa P1,000.00 ang pondo nito.
Ayon naman kay Division Chief Sharon Montañer, marami nang mga empleyado ng ERC ang nangangamba na mawalan sila ng trabaho sa susunod na taon.
Nauna rito, sinuspinde ng Malakanyang si Salazar dahil sa kinahaharap nitong reklamong administratibo ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Act.