Nais ni Energy Regulatory Commission Chair and C.E.O Jose Vicente Salazar na makipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte pagbalik nito sa bansa mula sa kanyang biyahe sa Peru.
Kasalukuyan kasing nasa Peru ang Pangulong Duterte para sa APEC Summit.
Ayon kay Salazar, gusto niyang makausap ang Pangulo para personal na maipaliwanag ang current developments sa ERC.
Ginawa ni Salazar ang pahayag makaraang ipag-utos ni Duterte na magbitiw ang lahat ng commissioners ng ERC kasunod ng pagpapatiwakal ni Director Francisco Villa Jr. Noong Nobyembre 09.
By: Meann Tanbio