Nagbanta si Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate na posibleng sampahan nila ng kaso sina Energy Regulatory Commission Chairman Agnes Devanadera at ang iba pang E.R.C. Commissioners.
Ito’y kung aaprubahan ng mga ito ang multi-Trillion Peso Power Supply Agreements o “midnight deals” ng MERALCO sa pitong power generation companies.
Ayon kay Zarate, may mga balitang nakararating sa kanilang tanggapan na sinusubukan ng E.R.C. na aprubahan ang mga nasabing kasunduan kahit hindi dumaan ang mga ito sa competitive selection process na pangunahing requirement para makakuha ng murang kuryente.
Kung totoo anya ang mga report sa kabila ng malinaw na paglabag ng MERALCO at mga dating ERC officials na pinalitan ni Devanadera, hindi siya magdadalawang-isip na kasuhan ang mga kasalukuyang opisyal ng kriminal at administratibo.
Sakaling ituloy ang kwestyunableng kasunduan sa MERALCO ay aabot sa 1 Peso at 55 Centavos per kilowatt-hour ang magiging dagdag singil sa kuryente.