Inatasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Meralco na mag-refund ng mahigit P13.8 billion sa kanilang mga customers.
Katumbas ito ng average refund o bawas singil na P0.15 centavos per kilowatt hour sa loob ng 24 na buwan o hanggang sa maibigay na ang buong refund.
Ayon kay ERC Chairperson and CEO Agnes Devanadera, inaprubahan ang hirit ng Meralco na pagpapalabas ng provisional authority para agad na maipagkaloob sa kanilang mga customers ang nabanggit na refund at makapagbigay ng kaluwagan sa panahon ng pandemiya.
binigyang diin naman ng erc sa kanilang kautusan na limitado lamang ang naturang provisional authority sa halaga ng refund na hiniling ng Meralco.
Isasailalim pa rin anila sa masusing pag-aaral ng ERC ang iba pang ellegations, assumptions at computation na hindi sakop ng inapply na refund ng Meralco.
Inatasan din ng ERC ang Meralco na ipakita ang refund bilang hiwalay na line item sa bill ng mga customers sa buong panahon ng pagbibigay ng refund.