Inihirit ng grupong Laban Konsyumer Incorporated sa ERC o Energy Regulatory Commission ang pagpapataw ng feed – in tariff allowance sa singil sa kuryente ngayong buwan.
Matatandaang itinaas ng ERC sa .2563 pesos per kilowatt hour ang feed – in tariff mula sa dating .1830 kilowatt hour.
Ayon kay Atty. Victorio Dimagiba, presidente ng grupo, hindi makatao at kwestyonable ang ipinapataw na fit – all charges ng ERC na hindi naman dumaan sa due process.
Aniya, lalo lamang magpapahirap at magpapabigat ang naturang dagdag bayarin sa mga konsumer.
Dalawa na aniyang petisyon ang kanilang iniharap para ibasura ang desisyon ng ERC ukol dito noong 2016 at 2017 ngunit hindi ito inaaksyunan.
Ang fit – all charges ay tinatawag na uniform charge sa bawat kilowatt hour para pambayad sa tuloy – tuloy na suplay ng kuryente na dumadaan sa transmission at distribution network ng bansa.