Nilinaw ng Energy Regulatory Commission (ERC) na wala na sa kanilang kamay ang desisyon sa kinakaharap na power outage sa Occidental Mindoro.
Ayon kay ERC chairperson, Atty. Agnes Devanadera, ang Occidental Mindoro Consolidated Power Corporation (OMCPC) at Occidental Mindoro Electric Cooperative (OMECO) ang dapat mag-usap.
Ito’y dahil ang OMCPC at OMECO ang mayroong agreement pagdating sa pagsu-supply ng kuryente sa lalawigan.