Itinanggi ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang paratang hinggil sa umano’y midnight o sweetheart deal nito sa Manila Electric Company o Meralco.
Ito’y kaugnay sa pinasok na competitive bidding ng ERC sa Meralco gayundin sa 93 iba pang distribution companies para sa pagbili ng dagdag na suplay ng kuryente.
Sa panayam ng DWIZ kay ERC Chair Agnes Devanadera, nagkaroon ng pagbabago sa patakaran patungkol sa bidding na siyang nagresulta ng pagkaksuspinde ng apat (4) na commissioners ng ERC.
Sa pagpapalit ng ating patakaran, nagkaroon ng transitory failure, parang nagkaroon ng panibagong pagkakataon na mag – submit ulit ng application sa ERC na hindi dumaan doon sa prosesong ‘yun.
‘Yun naman ay batay sa record ng ERC ang nag – avail o ang nag – submit ng application ay hindi lamang naman ‘yung pitong (7) applications ng Meralco kundi 93 ang total ng nag – submit ng application.
Kasunod nito, sinabi ni Devanadera na humingi na sila ng gabay sa Malakanyang kung paano reresolbahin ang nasabing usapin
Well, ang mga commissioner at kahit sino namang government employees or officials ‘pag merong suspension… na may findings ang Ombudsman, pwede silang umakyat sa Court of Appeals.
So, ‘yun ay prosesong nasa batas.
Pinag – aaralan ito ng legal ng ating Office of the President at ayaw ko namang pangunahan ang kanilang magiging pagsusuri at pag – aaral.