Nanawagan ang Energy Regulatory Commission (ERC) sa publiko na magtipid sa pagkonsumo ng kuryente.
Ito’y sa hamong kinakaharap ng bansa na may kaugnayan sa langis na nakakaapekto rin sa enerhiya.
Ayon kay ERC chairperson Agnes Devanadera, kahit may ginagawang paraan ang gobyerno para mapababa ang binabayaran sa kuryente, hindi agad ito mararamdaman.
Aniya ang kanyang tinutukoy ay ang tinatawag na net-metering at retail aggregation.
Isa rin aniya sa nakakaapekto sa pagtaas sa presyo ng kuryente ay ang patuloy na girian sa pagitan ng Russia at Ukraine at ibang foreign policies ng ibang bansa.