Pinagpapaliwanag ng Energy Regulatory Comission (ERC) ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang nabibiting pagkumpleto sa transmission projects na pina-a-aprubahan nito.
Ayon kay ERC Chair at CEO Agnes Devanadera , pinadedetalye nila sa NGCP ang mga pagbabago sa timeline at mga pangyayari at aktibidad sa modification ng completion ng transmission projects.
Ang paliwanag aniya ng NGCP ang maglilinaw sa estado at dahilan nang pagkabinbin ng 33 transmission projects na una nang inaprubahan ng ERC.
Tiniyak naman ni NGCP Spokesperson Cynthia Alabanza na makikipag tulungan sila sa ERC at ibibigay sa ahensya ang mga impormasyong hinihingi nito.