Pinatawan ng P19 na milyong multa ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Meralco.
Ito ay matapos na hindi masunod ng Meralco ang ipinalabas na abiso ng komisyonsa kasagsagan ng community quarantine mula Marso hanggang Hulyo.
Ayon kay ERC Chairperson Agnes Devanadera, kabilang dito ang kabiguan ng Meralco na magpalabas ng malinaw na estimated billing at hindi masunod iniuutos ng ahensiya na installment na pagbabayad ng mga customers.
Sinabi ni Devanadera, nagresulta ng kaguluhan at kalituhan sa mga public consumers ang naging kapabayaan ng Meralco na makapagbigay ng wasto at eksaktong impormasyon.
Maliban dito, inatasan din ng ERC ang Meralco na itakda sa zero ang Distribution Supply and Metering charges (DSM) ng mga lifeline consumers.
Nangangahulugan itong hindi pagbabayarin ng isang buwang bill ang mga customers na may konsumo ng 100 kilowatt hour pababa.