Umaasa ang Energy Regulatory Commission a ipagpapatuloy ng South Premiere Power Corporation (SPPC) at Meralco ang pagpapatupad sa nalalabing buwan ng kanilang power supply agreements.
Ito, ayon kay ERC Chairperson at CEO Monalisa Dimalanta, ay upang maiwasan ang pagtaas ng singil sa kuryente na papasanin ng mga consumer.
Maaari pa anyang ipagpatuloy ang kontrata dahil sinuspinde lang naman ito ng San Miguel Corporation, na mother company ng SPPC, matapos maglabas ng 60-day temporary restraining order ang Court of Appeals.
Idinagdag pa ni Dimalanta na ang naturang PSA sa SPPC ang pinaka-murang kontrata na pinasok ng Meralco kumpara sa mas mahal na kuryente sa wholesale electricity spot market na pansamantalang pinagkukunan ng naturang electricity distributor.