Tiniyak ng Liberal Party (LP) na paninindigan nila ang kanilang papel bilang oposisyon at tigapagbantay upang magkaruon ng checks and balances sa pamahalaan lalo na sa Kongreso.
Aminado si Cong. Edgar Erice ng LP na masyado nang mahina ang kanilang partido kung bilang ng mga miyembro ang pag uusapan.
Gayunman, reyalidad na aniya ng pulitika sa pilipinas ang palipat lipat ng partido depende kung sino ang nakaupo sa puwesto.
“Tanggap natin na si Pangulong Duterte ay very popular. Tanggap natin nayung mga mensahe niya ay pinaniniwalaan at tintanggap ng mga karamihang Pilipino. Subalit, yung popular ay hindi nman necessary tama. Ang partido din ay nabubuhay sa pamamagitan ng basic principles, like for example, yung rule of law, democratic processes.” Pahayag ni Rep. Erice.
Dahil sa maliit na bilang nila sa Kongreso, sinabi ni Erice na hindi malayong maulit rin ang nangyari ngayong 17th Congress kung saan ang minority leader ay kaalyado rin ng mayorya.
“Sana naman hindi ganoon kasi pwede naman po mabigyan ng pagkakataon dahil sa isang demokrasya we abide the rule of the majority and always respect the rights of the minority.” Ani Rep. Erice.