Inamin ni Caloocan Representative Edgar Erice na isa siya sa mga nagbibigay ng mga istratehiya sa Liberal Party (LP).
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Erice na bilang Chairman for Political Affairs ng partido, tumutulong siya upang mapalakas ang kanilang pambato na si dating DILG Secretary Mar Roxas.
Gayunman, mariing itinanggi ni Erice na isa sa mga istratehiya ng partido ang pagpapa-disqualify kay Senator Grace Poe.
“Ibig sabihin yung mga naniniwala sa pagpapatuloy, may choice pa, dalawa, eh dito sa opposition talagang isa lang si VP Binay, yun po ang dapat na paghandaan namin.” Pahayag ni Erice.
By Jelbert Perdez | Karambola