Inamin ng magkasintahang Daniel Matsunaga at Erich Gonzales na napag-uusapan na nila ang kasal kasunod ito ng short but very sweet nilang biyahe sa city of love, Paris.
Ayon kay Daniel, kahit ilang buwan palamang sila ay napag-uusapan na nila ang paglagay sa tahimik dahil ito naman talaga ang kanyang ninais na mapuntahan ng relasyon nila ni Erich.
Paliwang ni Daniel, not so soon ang kanilang paglagay sa tahimik dahil bago ito ay nais muna niyang dalhin sa Brazil ang kanyang lady love para maipakilala sa kanilang angkan.
By Rianne Briones