Hindi na interesado si Erich Gonzales sa coffee-date invitation ng negosyante at single dad na si Xian Gaza.
Aminado si Erich na noong una ay natuwa siya sa effort ng kanyang admirer, pero sa bandang huli ay hindi na niya nagustuhan ang mga lumabas na expose laban kay Xian na umano’y scammer.
Aniya, kinausap niya ang kanyang pamilya at mga malalapit na kaibigan at nagpasya na siyang huwag nang i-meet si Xian.
Samantala, ilang buwan na ring hiwalay si Erich sa ex-boyfriend niyang si Daniel Matsunaga.
- Meann Tanbio