Inamin ngayon ni Siargao Star Erich Gonzales na kanya nang napatawad ang ex – boyfriend na si Daniel Matsunaga.
Ito ay kahit na hindi pa man aniya humihingi ng tawad ang Japanese – Brazilian actor – model.
Sa kabila nito, malamig naman si Erich sa pahayag ni Daniel na handa na itong makipagkaibigan muli sa aktres.
Ayon kay Erich, ayaw na niyang balikan ang nakaraan at ang mahalaga aniya ay nakapag ‘move on’ na siya sa relasyon nila ni Daniel.
Ngayong 2018, sinabi ni Erich na career ang kanyang prayoridad at wala pang puwang sa ngayon ang buhay pag – ibig.
Payo ni Erich sa kanyang mga manliligaw, huwag magmadali at sikaping maghintay.