Excited na si Erik Santos para sa nalalapit niyang concert sa April 7 na gaganapin sa Solaire Resort and Casino.
Ayon kay Erik, kasabay ng excitement ang triple aniyang kaba.
Ito ay dahil sa maliban sa siya ang nagsulat at aawit, unang beses din ni Erik na mag-direct ng sarili niyang concert.
Hindi maitago ni Erik ang pressure sa kanyang parte habang papalapit ng papalapit ang araw ng kanyang konsyerto.
Makakasama ni Erik bilang guest artist sina Yeng Constantino at Ogie Alcasid.
By Ralph Obina
Photo Credit: Erik Santos Instagram