Balik pilipinas na ang mga cabin crew ng eroplano ng Philippine Airlines (PAL) na nag-emergency landing sa Los Angles International Airport (LAX) matapos makaranas ng technical problem noong Biyernes, Nobyembre 22.
Ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna, dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 4 na piloto at 14 pang crew members ng PAL flight 113, madaling araw kahapon, Nobyembre 25.
Magugunitang, napilitang bumalik at nag-emergency landing sa LAX ang nabanggit na eroplano ilang minuto lamang matapos mag-take off dahil sa pagliyab ng isa mga makina nito.
Ligtas namang nakalapag ang eroplano sakay ang 342 pasahero at 18 cabin crew nito.
Samantala, patuloy pa ang isinasagawnag imbestigasyon ng mga otoridad para matukoy ang dahilan ng pagpalya ng makita ng nabanggit na eroplano ng PAL.