Napilitang bumalik ng Sydney, Australia ang eroplano ng China Eastern Airlines na patungo sanang Shanghai matapos na maiulat na may butas sa makina nito.
Ayon sa isang crew ng nasabing eroplano, kanilang napansin ang sira sa kaliwang makina nito matapos nila mag-take off.
Kwento pa ng ilang pasahero, nakarinig sila ng malakas na ingay bago mangamoy sunog sa loob ng eroplano.
Ligtas namang nakapag-emergency landing ang nasabing eroplano nang bumalik sa Sydney airport.
By Krista De Dios