Lumampas sa runway ng Busuanga Airport ang isang eroplano ng SkyJet sa Busuanga Airport sa Coron, Palawan.
@SkyJetAirlines plane still disabled at Busuanga Airport after it overshoots the runway 14 domestic cancelled as busuanga airport remain closed since Friday @dwiz882 @ppsamedia pic.twitter.com/lw21evl2ZV
— raoul esperas (@raoulesperas) June 9, 2018
Ayon kay Eric Apolonio, tagapagsalita ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP, bandang alas-4:00 ng hapon nang mangyari ang naturang insidente kung saan masuwerte namang nakaligtas ang mahigit sa walumpung (80) pasahero at anim (6) na flight crew.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, lumagpas umano ang eroplano sa runway dahil sa madulas ang daan bunsod ng walang tigil na pag-ulan.
Dahil dito, pansamantalang isinara ang naturang airport.
Kaugnay nito, nagpalabas na rin ng abiso ang Cebu Pacific na kanselado na ang apat na byahe nito patungo at mula sa Busuanga ngayong araw.
Ito ang Cebu Pacific flight number DG 6041, DG 6042, DG 6057 at DG 6058.
Narito ang listahan ng mga kanseladong biyahe ngayong araw dahil sa pagsasara ng nasabing paliparan.
(Ulat ni Raoul Esperas)