Sumadsad sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang flight MF8667 ng Xiamen Air sa gitna ng malakas na buhos ng ulan kaninang hatinggabi.
Sa inilabas na pahayag ng Manila International Airport Authority (MIAA) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) inihayag na ligtas naman ang 157 na mga pasahero at crew na sakay ng nasabing eroplano.
Ayon sa airport authorities maayos na naisagawa ang emergency protocol sa pagsagip sa mga pasahero.
TINGNAN:
Xiamen Air flight na sumadsad sa NAIA runway kaninang hatinggabi. Ligtas naman ang 157 na mga pasahero at flight crews ng eroplano. | via @raoulesperas https://t.co/TtUTtJfdRe pic.twitter.com/RafHbdlc2O
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 16, 2018
Sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang CAAP upang malaman ang naging sanhi ng insidente.
Dahil dito sarado ang international runway 06-24 sa NAIA hanggang alas-4:00 ng hapon ngayong araw dahil sa nagpapatuloy na clearing ar recovering operations sa lugar.
Pinayuhan naman ang mga pasaherong apektado ng runway closure na makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga airline para sa mga anunsyo ng kanseladong biyahe.
Terminal 1 (8771109 loc 765 and 2852)
Terminal 2 (8771109 loc 2882 and 2880)
Terminal 4 (8771109 loc 4226)
Terminal 3 (8777888 loc 8144 and 8146)
NAIA Hotline 8771111.
(Story and Photo By Raoul Esperas)