Isang eroplano ang sumadsad sa madamong bahagi ng Mactan Cebu International Airport.
Kinumpirma ni Eric Apolonio, spokesman ng Civil Aviation Authority of the Philippines na pasado alas-11 kagabi nang mag-overshoot ang Airbuss 333 Aircraft ng Korean Airlines Flight KE631.
Ayon kay Apolonio, pansamantalang sinuspinde ang lahat ng flights matapos isara ang runway sa naturang paliparan.
Agad naman anyang nagpadala ng Cebu Fire and Rescue Teams at Medical personnel sa crash site.
Inaalam na rin ng Aircraft and Accident Investigation Board ng CAAP ang sanhi ng pagsadsad ng eroplano. —ulat mula kay Raoul Esperas (Patrol 45)