Isang eroplanong patungong China, na-delay ng anim na oras ang pag-landing sa Shanghai dahil mismo sa piloto nito.
Kung ano ang kinahinatnan ng mga pasahero, eto.
Alas dos ng hapon noong March 22 nang bumyahe ang isa sa mga eroplano ng United Airlines na may flight number na ua 198 at may sakay na 275 na pasahero at 13 flight crews na patungo sa Shanghai, China.
Pero makalipas ang dalawang oras sa ere, lumiko ang eroplano papunta sa San Francisco dahil ang isa mismo sa mga piloto nito, naiwanan pala ang kaniyang passport.
Pasado alas singko na ng hapon nang dumating ang eroplano sa San Francisco at muling lumipad kinagabihan ng alas nuwebe.
Delayed na ng anim na oras nang dumating ang eroplano sa destination nito.
Matapos nito, tila nag-domino effect na ang mga aberya. Ang ilan sa mga pasahero, nagreklamo sa isang Chinese social media platform dahil naabala ang kanilang mga plano.
Pati ang isang flight na mula sa Shanghai at patungo sa Los Angeles ang naapektuhan dahil sa delay ng nasabing eroplano.
Gayunpaman, na-appreciate naman ng isang pasahero ang honesty ng piloto nang marinig nito sa intercom kung gaano ito ka-frustrated nang sabihin na naiwan nito ang kaniyang passport.
Samantala, binigyan naman ng United Airlines ang mga pasahero ng meal vouchers at compensation na maaari raw matanggap makalipas ang dalawang linggo.
Para sayo, sapat na ba ang compensation at vouchers bilang pa-konswelo sa mga aberya na dinulot ng delayed flight na ito?