Hindi pinayagang makaalis ng bansa ang eroplanong sinasakyan ni Chris Brown, kaninang hapon.
Ayon sa report, mahigit isang oras na pinigil ng otoridad ang pag-alis ng Gulf Stream aircraft na sinasakyan ni Brown, dahil sa look out order ng Bureau of Immigration (BI) batay na din sa utos ng Department of Justice (DOJ).
Si Brown ay nasa bansa para sa kanyang concert kagabi na bahagi ng kanyang Asian Tour, at nakatakda sanang umalis patungo sa Hong Kong.
By Katrina Valle | Raoul Esperas (Patrol 45)