Papayagan na ng CAAP o Civil Aviation Authority of the Philippines na makalabas ng bansa ang chartered plane na sinakyan ni Grammy award winner Chris Brown.
Nilinaw ito ni CAAP Deputy Director General for Operations General Rodante Joya dahil ang look out bulletin order aniya ay para kay Brown at isang kasamahan nito na una nang inireklamo sa Department of Justice (DOJ).
Ayon kay Joya, sakaling maghain ng flight plan ang piloto ng nasabing chartered plane ay obligado silang iparating ito sa Customs at Bureau of Quarantine para sa mandatory inspection nito bago lumabas ng bansa.
Sinabi pa ni Joya na maglalagay din sila ng tao para matiyak na may kaukulang clearance sa pagbiyahe ng nasabing eroplano at masiguro ring hindi nito sakay si Brown.
By Judith Larino | Raoul Esperas (Patrol 45)