Hindi madaling alisin sa main runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang sumadsad na eroplano ng Xiamen Airlines.
Ito ayon sa Department of Transportation (DOTr) ay dahil mayroong mga technical protocol at factors na dapat sundin ang lahat ng international airports para maisaayos ang sumadsad na eroplano.
Sa gitna na rin ito ng mga batikos na mahina o inefficient ang mga awtoridad sa airport dahil hindi kaagad naalis ang nasabing eroplano ng Xiamen Airlines.
Inihayag ng DOTr na ang pag-aalis sa sumadsad na eroplano ay hindi kasing dali nang pagto-tow ng isang bus o kotse.
Sinabi pa ng DOTr na dapat na hayaan muna silang gawin ang kanilang trabaho at hindi anito makakatulong ang mga akusasyon, paggawa ng intriga at pagmamaliit sa kanilang tanggapan at mga opisyal.
—-