34 na mali na ang namonitor ng Department of Education sa self-learning modules na ipinapagamit sa mga mag-aaral ngayong school year.
Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio magkakaiba ang naispatan niyang mali sa mga naturang module na ilan ay maling pagpipilian sa multiple choice, kulay sa printing, paggamit ng mga salita at mga imaheng na overstretch.
Sinabi ni San Antonio na nakatakda silang mag-isyu ng erratum kaugnay sa mga pagkakamali sa materials.
Bukod pa rito, tiniyak ni San Antonio na naka-monitor din sila ng errors sa mga module na dinisenyo ng kanilang field units na ginamit lamang sa mga piling lugar.
Sa ngayon aniya nasa proseso pa sila ng pagtukoy sa pinagmulan ng mga modules na may mali na posibleng ginagamit sa mga pribadong paaralan.