Hindi pa kailangang itaas sa Level 2 ang Alert status sa Bulkang Bulusan sa kabila ng panibagong pagputok nito noong linggo.
Ayon kay DOST Undersecretary at PHIVOLCS Director Renato Solidum, kailangan nilang ikonsidera ang ilang parametro sa pagtataas sa Alert level sa Bulusan lalo’t hindi pa nila inaalis ang posibilidad ng panibagong eruption.
Pagdating sa volume ng abo ay mas marami anyang inilabas ang Bulusan noong June 12 kumpara noong June 5 dahil sa mga bagong bukas na vent.
Ipinaliwanag ni Solidum na masyadong aktibo ang pagpapakulo ng tubig sa ilalim ng bulkan indikasyon na mayroon pang ibubuga o maaaring mas marami pang ilalabas na abo o volcanic materials ang bulusan.