Muling humingi ng public apology ang radio broadcaster na si Erwin Tulfo kay Social Welfare Secretary Rolando Bautista.
Ito ay matapos na tanggalan ng security escort si Tulfo at mga kapatid kasunod ng pambabastos at pagmumura ni Erwin sa dating heneral.
Ayon kay Tulfo, una na siyang humingi ng paumanhin sa kanyang programa noong Biyernes ngunit mukhang hindi ito sasapat at hindi tinanggap ni Bautista at kanyang mga kasamahan sa Philippine Military Academy.
Aminado na si Tulfo sa kanyang naging pagkakamali at handa aniya siyang mag – tone down at baguhin ang kanyang style bilang isang mediaman.
Iginiit ni Tulfo na nagkaroon ng miscommunication sa parehong partido kaya umabot sa kontrobersiya.
Una nang umugong sa social media ang pagpalag ng mga dating kasamahan ni Bautista sa PMA sa hindi magandang pananalita ni Tulfo at iginiit ng mga ito na dapat humingi ng paumanhin ang brodkaster sa kanyang naging asal.