Pinagpapaliwanag na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ES Consortium kaugnay sa unpaid salary ng mga drivers at konduktor ng EDSA bus service.
Ayon kay LTFRB Chairperson Martin Delgra, nakapagpalabas na sila ng P1.6 bilyon para sa sahod ng mga drivers sa ilalim ng service contracting program.
Napunta ito sa account ng nasa 18 bus operators na nasa ilalim ng consortium.
Samantala, aminado si Delgra na may pananagutan ang operators sa nangyari lalo’t na-ireport na ito sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Nitong Lunes, unang nagsagawa ng protesta sa EDSA ang ilang drivers at konduktor dahil wala pa silang natatanggap na sahod.
Sinagot naman ito ng ES Consortium at sinabing nasa gitna pa rin sila ng kasunduan.—sa panulat ni Abby Malanday