Sa panahon ngayon, mas pinipili na ng mga tao ang convenience at comfort kung kaya naman mas pinipili ng karamihan na sumakay sa escalator at tumayo sa mahabang pila ng elevator kaysa maghagdan. Pero gugustuhin mo pa rin bang mag-escalator kung lima lang naman ang steps nito?
Kung saan ito matatagpuan, alamin.
Kilala ang Japan bilang isa sa most innovative countries sa buong mundo dahil sa dami ng mga gamit na matatagpuan doon na ang hatid ay convenience. Bukod pa riyan, marami ring makikitang mga bagay na sobrang kakaiba at sa Japan lang available.
Katulad na lang ng escalator na ito sa basement ng Okadaya More’s department store na matatagpuan sa siyudad ng Kawasaki na tinatawag na “Petitcalator” o “Puchicalator.”
Kung bakit kakaiba ang naturang escalator? Napakigsi kasi nito at mayroon lamang limang steps at 83.4 centimeters o 32.8 inches lang ang sukat.
Binuksan ang mall noong 1989 at naisip daw ng designers na pagkonektahin na lang ang underground level nito sa kalapit na Azalea Underground Shopping Center.
Sa kalagitnaan ng pagpaplano, napagtanto ng mga designer na mayroon na palang malaking concrete beam sa paglalagyan sana ng motor ng escalator.
Gayunpaman, tinuloy pa rin ang implementasyon nito, ayun nga lang ay naging lima lang ang steps nito. Pero, wag iismolin ang escalator dahil record holder lang naman ito at tinaguriang Shortest Escalator in the World.
Ikaw, gagamitin mo pa rin ba ang escalator na to kahit lima lang ang steps nito?