Pinatatahimik ni House Justice Committee Chairman at mindoro Representative Reynaldo Umali ang mga senador sa tila pagpuna sa impeachment proceedings ng Kamara laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Kasunod ito ng naging pahayag nina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senador Chiz Escudero na walang kapangyarihan ang nasabing komite na magpalabas ng subpoena o arrest order laban kay Sereno.
Sinabi ni Umali sa pagdinig ng determination of probable cause sa impeachment complaint laban kay Sereno na maghintay na lamang ang senador sa kanilang panahon na tumayong mga senator – judges.
Samantala, binalewala lamang ni Drilon ang pahayag ni Umali at iginiit na dapat limitado lang sa legal na bagay ang mga komento at argumento nito.
Habang tinawanan lamang ni Escudero ang mga nasabing patutsada.