Muling inihain ni Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education Chair Senator Francis Escudero ang Senate Bill no. 58 na nagpapababa ng retirement age ng mga empleyado ng Department of Education (DEPED) sa 60 taong gulang mula 65.
Ayon sa mambabatas, sa ilalim ng panukalang batas na ito, libu-libong mga retirable DEPED employees at public school teachers na gustong igugol ang kanilang oras sa ibang trabaho ang makikinabang.
Subalit, alinsunod sa Civil Service (CS) policies at Government Service Insurance System (GSIS) rules, pahihintulutan ang isang DEPED employee na maglingkod hanggang 65 taong gulang kung mayroon itong less than 15 years of service.
Dagdag ni Escudero, makakatulong ang panukalang batas sa pagpapaigting ng ahensya gaya ng skills updating at professional advancement.
Una nang ipinanukala ng Civil Service Commission (CSC) ang pagsuri sa naturang pagbaba ng retirement age sa mga state workers. - sa panulat ni Hannah Oledan