Aminado si Senador Francis Escudero na wala silang alternatibong plano sakaling ma-disqualify ang katambal niyang si Senador Grace Poe sa 2016 presidential elections.
Ayon kay Escudero, wala silang “Plan B” dahil naniniwala aniya silang hindi madidiskwalipika si Poe.
Idinagdag pa ni Escudero na pinili nila ni Poe tumakbo bilang independent candidate dahil naniniwala silang ang presidente ng bansa ay hindi dapat umaanib sa anumang partido.
By Meann Tanbio