Idineklara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)– flood conrol center ang Espanya Boulevard sa Maynila bilang “most easily flooded road” sa Metro Manila.
Batay sa tala ng ahensya, ang 20 milimetro ng ulan sa loob ng isang oras ay magiging sanhi na ng halos isang talampakang taas ng baha na huhupa sa loob ng 45 minuto.
Ayon kay MMDA flood control Chief Baltazar Melgar, basura pa rin ang nangungunang dahilan ng pagbaha sa Metro Manila.
Aniya, nasisira ang mga pumps dahil imbis na tubig baha lamang ang ilalabas ay may kasama itong basura na nagiging sanhi ng pagbara sa mga daluyan ng tubig.
Bukod sa Espanya Ave., kasama rin sa mga flood prone roads ang Taft Avenue sa Maynila, Timog Avenue sa Quezon City at Buendia sa Makati City.