Sasagutin punto por punto ni Chief Inspector Jovie Espenido ang lahat ng akusasyon laban sa kaniya gayundin sa kaniyang mga tauhan sa Ozamiz City Philippine National Police (PNP).
Ito ang inihayag ni Espenido sa kanilang pagtugon sa subpoena ng DOJ o Department of Justice para sa isasagawang preliminary investigation sa Agosto 15 at 22.
May kaugnayan ang nasabing pagdinig sa kasong murder na isinampa laban kina Espenido hinggil sa umano’y pagpatay sa tinaguriang Ozamiz 9 gayundin ang pag-aresto sa iba pa na may kinalaman sa operasyon ng iligal na droga.
Nangyari ang insidente noong Hunyo 1 ng taong kasalukuyan nang magsagawa ng pinag-isang operasyon ang Ozamiz PNP at Misamis Occidental Provincial PNP sa mga Barangay Cabinti at Balintawak sa nasabing lungsod.