Posibleng magbago pa ang paniniwala ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi kasama sa narcolist si Lt. Col. Jovie Espenido.
Ito’y ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo ay kung makakapaglabas ng ebidensya ang nag-aakusa kay Espenido na sangkot nga ito sa operasyon ng illegal na droga.
Sinabi ni Panelo na kahit inabsuwelto na ng Pangulong Duterte si Espenido hindi ito nangangahulugang absuwelto na rin ang opisyal sa anumang uri ng paglilitis dahil iimbestigahan pa si Espenido.
Magugunitang si Espenido na responsable sa pagkakapatay sa drug operations laban kina Ozamiz City Mayor Reynaldo Parohinog at Albuera Mayor Rolando Espinosa ay sinibak bilang deputy chief for operations ng Bacolod City Police dahil sa umano’y pagiging protektor ng mga drug lord.
Kasabay nito binigyang diin ni Panelo na credible pa rin ang narco list ng gobyerno.