Inilipat na naman sa kanyang bagong assignment ang kontrobersiyal na si Police Major Jovie Espenido.
Ayon kay PNP Western Visayas Spokesman Major Joem Malong, si Espenido na hepe ng Ozamiz City ay pinag report sa Police Regional Office 6 headquarters sa Iloilo City epektibo noong Oktubre 4.
Hindi pa matukoy kung saan ilalagay si Espenido dahil hindi naman ito kwalipikadong maging hepe ng Bacolod City Police Office dahil nangangailangan ito ng ranggong colonel o mas mataas ng dalawang ranggo kay Espenido.
Naging kontrobersiyal si Espenido sa kanyang mga assignment dahil sa pagkamatay ng mga drug lords sa mga police operations tulad nila Albuera Mayor Rolando Espinosa at Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog.