Hindi magsisilbing Chief of Police si Chief Inspector Jovie Espenido sakaling maitalaga ito sa Iloilo City.
Ipinabatid ito ng Pangulong Rodrigo Duterte matapos kanselahin ng PNP o Philippine National Police ang paglipat kay Espenido sa Iloilo City dahil sa pagiging under rank nito o kulang sa ranggo para maging hepe ng pulisya doon.
Nilinaw ng Pangulo na wala siyang pahayag hinggil sa pagtatalaga kay Espenido bilang Chief of Police sa Iloilo dahil batid niyang hindi sapat ang ranggo nito para maka-puwesto.
Uubra naman aniyang italaga si Espenido sa Iloilo bilang station commander para tutukan ang kampanya kontra iligal na droga.
By Judith Estrada – Larino
SMW: RPE