Itinalaga na si Chief Inspector Jovie Espenido bilang OIC o Officer-in-Charge ng Iloilo City police.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa, OIC muna ang ibinigay niyang pwesto kay Espenido dahil kinakailangang senior superintendent ang ranggo ng iuupong city director.
Sa ngayon aniya ay chief inspector pa lamang ang ranggo ni Espenido, mas mababa ng dalawang baitang sa kinakailangang senior superintendent.
Gayunman, sinabi ni Dela Rosa na posibleng sa Iloilo City na ma-promote si Espenido.
Samantala, inilipat naman sa PNP Region 6 headquarters ang pinalitang hepe ng Iloilo City ni Espenido na si Senior Superintendent Remus Zachairan Caniesa.