Ipinauubaya na ni PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa sa pamunuan ng Police Regional Office 6 o Western Visayas PNP ang pagkastigo kay P/Ltc. Jovie Espenido.
Ito ang inihayag ng PNP Chief kasunod ng pagsasalita sa harap ng media ni Espenido matapos umugong ang pangalan nito sa listahan ng 357 na mga pulis na sangkot sa illegal na droga.
Ayon kay Gamboa, pinagpapaliwanag na ni PNP Region 8 Director B/Gen. Rene Pamuspusan si Espenido hinggil sa mga binitawang pahayag nito sa media sa kabila ng matigas na pananahimik ng PNP Chief sa usapin.
Sinabi pa ng PNP Chief na nakasalalay na sa Regional Director kung ano ang susunod nilang hakbang matapos mailahad ni Espenido ang kaniyang panig at kung kakasuhan ba ito o hindi.
Pero paglilinaw ni Gamboa, bagama’t sinuway ni Espenido ang inilabas niyang gag order, hindi pa rin naman ito matatawag na insubordination.