Inatasan ng DOJ o Department of Justice sina Ozamiz City police head Chief Inspector Jovie Espenido at iba pang kasamahan nito na dumalo sa isasagawang preliminary investigation ng ahensiya sa Agosto 12 at 22.
Ito ay kaugnay sa kasong murder na isinampa ng isang Carmelita Manzano matapos ang pagkakapatay sa tinaguriang Ozamiz 9 at pagkaka-aresto ng iba pang mga kasamahan nito.
Matatandaang Hunyo 1 ng gabi nang maka-engkwentro ng Ozamiz City Police Station at Provincial Police Safety Company ang grupo ng mga nasawi sa isang routine operation matapos makatanggap ng reklamo ng pamamaril at panghoholdap.
Kinilala ang mga nasawi na sina francisco Manzano, Joel Espina Mira, Jerry Manzano, Romeo Libaton, Lito Manisan, Alfie Mahusay, Anjun Simene, at Consorcio Rubio Sr. at isang hindi pa natukoy ang pagkakakilanlan.
Habang ang mga naaresto naman ay sina Jonner Libatug, Laureto Ugmad, Janice Manzano, Carmelita Manzano, and Monaliza Ugmad.