Ginawaran ng Lapu-Lapu Award si Chief Inspector Jovie Espenido at 129 na sundalong nasawi sa pakikipaglaban sa Marawi City.
Iginawad ito ng Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita ng Araw ng mga Bayani na ginanap sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.
Ang Magalong Medal na iginawad kay Espenido ay ibinibigay sa mga namamahala sa pamahalaan at sa pribadong indibiduwal na nakapagbigay ng magandang serbisyo para isulong ang isang adbokasiya o kampanya ng pamahalaan.
Matatandaan na si Espenido ang nanguna sa pagsalakay sa tahanan at pagkakapatay sa itinuturing na drug lord na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parajinog.
Malaki rin ang naging papel ni Espenido sa pagsugpo ng illegal drugs noong hepe pa ito ng pulisya sa Albuera Leyte kung saan alkalde ang napatay na si Mayor Ronaldo Espinosa.
Samantala, Kalasag medal naman ang iginawad ng Pangulo sa 129 na sundalong nasawi sa Marawi City.
Ibinibigay naman ito sa mga nasawi habang isinusulong ang kampanya o adbokasiya ng pamahalaan.
Ang Order of Lapu Lapu ay nilikha ng Pangulong Duterte noon lamang Abril sa pamamagitan ng executive order 17 at pinalawak ang sakop nito sa pamamagitan ng EO 35 na nilagdaan niya nito lamang Agosto 3.
By Len Aguirre